How To Find The RIGHT Prospects & Partners


A boy asked his Mom... "How will I be able to find the right woman for me?" The mom answered, "Don't worry about finding the right woman, concentrate on becoming the right man"

Nung isang araw, naka-chat ko ang sa isa kong kaibigan na networker din. Sabi n'ya medyo nahihirapan daw s'ya sa business na ginagawa n'ya. Nahihirapan siyang makahanap ng mga tamang tao para sa kanyang negosyo.


 Eto yung sabi n'ya sa'kin…
“Finding the right person is been hard for me puro maling tao ang nakakausap ko”


Kahapon naman, may nabasa din akong isang facebook post. Ang sabi sa post... hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng commission at hindi pa rin daw siya kumikita sa kanyang business.

Remember, Looking for business partners is just like looking for a partner in life. (Right woman and right man)

"Don't worry about finding the right partners, FOCUS FIRST on becoming the RIGHT PARTNER/SPONSOR".
You need to become the right person first before you can find the right partners. 


Ibig sabihin ng Right Person dito sa business na ginagawa natin, ay yung meron kang tamang Mindset at meron kang mga Skills na nalalaman para magawa mo ang business mo ng tama.

If there is lack of abundance in you (wrong mindset), ang mga mahahanap at makakausap mo or maa-attract mo ay yung mga wala rin abundance sa buhay, yung mga tipo na bukang bibig ay WALA tulad ng..."Wala akong time, wala akong pera, wala akong interest, wala akong etc.,etc..."

Kapag naman ikaw mismo ay may negativity sa sarili mo (aware ka man or hindi), guess what? Mga negative din ang maa-attract, mahahanap at mga makakausap mo? Yung mga tipo ng tao na ang bukambibig ay... "pyramiding yan", "parang aman yan", "scam yan", "hindi totoo yan", etc...


Kung wala ka pang skills... Well hindi na kailangang i-explain ito. Simple lang, hindi mo rin magagawa ng tama ang business mo kasi nga hindi mo alam kung Paano.

Work on your self first and Become The Right person :)


 Develop mo yung tamang mindset na kailangan para maging successful. Mag-acquire ka ng mga importanteng skills na kakaylanganin mo para magkaron ng resulta sa business mo. Pwede kang magsimula sa Sponsor More Downlines at ObjectionCrusher eBooks.

** Marami ang mga pumapasok sa ganitong klase ng industry ang hanggang ngayon ay umaasa na makaka hanap sila ng alas na magiging susi sa success nila. Nangangarap at nagaasam sila na makakuha ng mga halimaw na downlines na magpapayaman sa kanila.

Pwede kang mangarap at mag antay na matatagpuan mo yung alas na hinahanap mo balang araw, or pwedeng mag-desisyon ka ngayong araw na ‘to na IKAW mismo ang ALAS na magpapayaman sa sarili mo.


I hope, may panibago ka uli natutunan sa training na ito :)



Your Partner In Success,

2 Ways How To Motivate Your Downlines


Paano nga ba i-mo-motivate ang ating mga downlines? 


There are 2 ways.

First, ikwento mo sa kanila ang analogy na 'to:
"Alam mo Partner, maraming sumasali sa ganitong klaseng negosyo na ang akala pagkasali nila ay kikita kaagad sila ng malaki o magiging milyonaryo na sila kahit wala silang ginagawa. 

Dun sila nagkamali. It takes time, effort and consistency to become successful in network marketing.

Akala kasi ng marami ay parang Monggo ang business nila, na kapag itinanim nila kinabukasan o sa makalawa ay tutubo na at pwede na kaagad kainin.

Mali yun!

Itong business natin ay parang puno ng Mangga :)

Bakit?

Kasi magsisimula ang lahat sa itatanim mong buto. Tapos kailangan araw-araw mong didiligan yung tinanim mong buto. Paaarawan mo rin at kung minsan ay kakausapin mo pa. Medyo maghihintay ka ng matagal.

Minsan babagyuhin pa yung tinanim mo, pero kailangang wag mong hahayaang tumumba yun. Kailangan mo yung protektahan.

Pero eto yung maganda, kapag tumubo na at kapag namunga na yung tinanim mong mangga, ang gagawin mo na lang ay mamitas ng bunga at kumain hanggang sa gusto mo.

At ang pinakamalupit, kahit busog ka na sa kakakain, mamumunga pa rin ng mamumunga yung puno mo.


Ganun din dito sa business natin, Partner.

Kung iilan-ilan pa lang ang downlines mo, Kung di mo pa nakikita yung results na gusto mo, ibig sabihin kakatanim mo pa lang ng buto. At kailangan mo rin na araw-araw gumawa ng effort para diligan yung tinanim mo, para tuloy-tuloy ang paglaki ng negosyo mo.

Minsan babagyuhin din yung negosyo mo dahil may mga challenges na darating sa'yo pero dapat 'di ka hihinto at hindi ka susuko. Dahil pag ginawa mo yun tutumba talaga yung tinanim mo at hindi na yun magiging isang malaking puno.

Pero pag dumating yung panahon na lumago na at namunga na ang negosyo mo, alam mo na siguro yung mangyayari. Maghanda ka na ng madaming bagoong kasi mabubusog ka sa kakakain ng mangga. 

2nd way to motivate your downlines,  turuan mo sila ng mga gagawin nila kung paano sila magkakaron ng resulta. Hindi kailangang biglaang resulta, kahit paunti unti lang na resulta. 


Ang importante ay may makikita silang PROGRESS sa business na pinasukan nila. 

Dahil kapag wala silang nakikitang progress sa business nila, mataas talaga yung chance na huminto sila at mag-quit.


I may bago ka na naman natutunan sa post na ito. See you again sa next lesson :)




Your Partner In Success,