Madaming talagang nalilito at nagkakamali ng pananaw sa pinagkaiba ng Network Marketing at Affiliate Marketing. At karamihan ay nag-aakala na ito ay magkapareho. Aaminin ko, kahit ako noong una ay nalito sa pinagkaiba ng dalawa. Pero ang dalawang ito ay tiyak na magkaiba.
Para sa kalinawan tatalakayin natin sa Post na ito kung ano ang Major Difference ng dalawa.
Magsimula tayo sa Network Marketing o tinatawag ding Multi Level Marketing.
Una, ang Networking o MLM ay maaring gawin Offline except na lang kung ang Product/Services nito ay para lamang sa Online Market.
Ang Affiliate Marketing naman dahil Information/Service ang sa kanila ay maari lang gawin Online.
Sa Networking o Multi Level Marketing ay maaring kumita ng commission sa within certain levels ng organization na nabuild, Depende ito sa Compensation Plan ng company. Pero kadalasan ito ay hanggang 6th or 10th level.
Sa Affiliate Marketing ang commission galing sa first level o Upfront Commission. Hindi ito divided into levels katulad ng sa Multi Level Marketing kaya kadalasan malaki ito pero hindi ito nagkaroon ng tinatawag na Multiplex Income.
Ang Networking ay matagal ng ginagawa at marami na ang nakapagpatunay na sistema na ito ay nakakapag produce ng mga six, seven, or eight digit income.
Sa Affiliate Marketing naman ay kahit bago pa lang ay marami na rin kumita ng malaki ngunit nalilimitahan lamang ito dahil first level lang nga ang income dito.
Pero depende pa rin kung ang Affiliate ay merong services na offered para continues kumita ang referror.
Sa Networking kadalasan ay may product or services itong discounted or may fair market value na maaring ibenta. At dito kadalasan nanggagaling ang tinatawag na Passive/Residual Income. Dahil sa maliit ngunit malalim na levels na commission mula sa chain of dealers/ marketers/ subscribers/ consumers.
Sa Affiliate naman ay wala kang ibebentang produkto kundi irerefer mo lang ang Information Product kung saan maaring makabili. It's simply "Telling People Where To Buy".
Ito ang mga iilan sa malaking pinagkaiba ng Network Marketing / Multi Level Marketing at Affiliate Marketing.
Sa panahon natin ngayon may mga Networking Companies na rin na nagsisimulang magbigay ng FREE Membership na may same commission ng tulad sa Affiliate Marketing.
At may mga Affiliate Marketing Companies na rin na nagbibigay ng Leverage Commission.
Kung gusto mong kumita ng Growing Source of Income I will always suggest Network Marketing.
Kung gusto mo naman ng Malaking Upfront Commission I will suggest Affiliate Marketing.
Both are good source of income stream. Pareho rin naman itong maaring isabay ng isang Networker as long as hindi magconflict sa Product ng Company mo. Hindi naman kasi ito tulad ng pamamangka sa dalawang ilog. At kung ang pagrefer ng Affiliate Products ay makakatulong sa existing business mo. Kadalasan pa nga dito pa manggagaling ang "Panggalaw" para sa Network Marketing Business mo.
I Hope May Natutunan Ka Sa Post Na Ito.
PS.
Kung Gusto Mo Matutunan Kung Paano Kumita Sa Affiliate Marketing,
Your Partner In Success,
Sir Odie B. Peñaflorida
0919-844-44-93