Alin Sa Dalawa Ang Gusto Mo, LOBO o KUNEHO?




KUmusta? Sana ay OK ka lang.

Gusto kitang tanungin kung alin sa dalawa ang gusto mo?
LOBO o KUNEHO?

Malamang ang nasa isip mo ay
anong klaseng tanong 'to...

Ipapaliwanag ko sa 'yo...

Imagine nasa gubat ka.
May nakita kang isang lobo na
may hinahabol na isang kuneho.

Kahit mabilis tumakbo ang lobo ay
nagawa pa din ng kuneho na makatakas.

Paano kaya nangyari yun?

Kung iisipin mo, parehas tumatakbo
ang dalawa. Pero ang pinagkaiba nila
ay ang dahilan kung bakit sila tumatakbo.

Yung lobo tumatakbo sya para sa meryenda nya.
Yung kuneho tumatakbo sya para sa buhay nya.

Bakit ko kinuwento sa 'yo 'to.

Marami ang nag tatanong sa akin kung
magiging successful daw ba sila kapag
sumali sila sa aming team at sa aming negosyo.
Tinatanong nila kung kikita ba talaga sila dito.

Ang sagot ko sa kanila.. Kung gagawin
mo tong business na to para magkaron
lang ng pang-meryenda tulad nung lobo,
pwedeng hindi.

Pero kung gagawin mo ang negosyo para
sa mga taong mahal mo, para mag improve
ang katayuan mo sa buhay, para maibigay
mo ang mga gusto ng mga taong mahal mo,
at para maabot mo ang mga pangarap mo
sa buhay... Oo magiging successful ka
at kikita ka sa business na to.

Kaya tatanungin kita ulit...

Alin sa dalawa ang gusto mo? LOBO o KUNEHO?



Have a Great Day and God Bless You.