Gusto kitang tanungin kung alin sa dalawa ang gusto mo? LOBO o KUNEHO?
Malamang ang nasa isip mo ay anong klaseng tanong 'to...
Ipapaliwanag ko sa 'yo...
Imagine nasa gubat ka. May nakita kang isang lobo na may hinahabol na isang kuneho.
Kahit mabilis tumakbo ang lobo ay nagawa pa din ng kuneho na makatakas.
Paano kaya nangyari yun?
Kung iisipin mo, parehas tumatakbo ang dalawa. Pero ang pinagkaiba nila ay ang dahilan kung bakit sila tumatakbo.
Yung lobo tumatakbo sya para sa meryenda nya. Yung kuneho tumatakbo sya para sa buhay nya.
Bakit ko kinuwento sa 'yo 'to.
Marami ang nag tatanong sa akin kung magiging successful daw ba sila kapag sumali sila sa aming team at sa aming negosyo. Tinatanong nila kung kikita ba talaga sila dito.
Ang sagot ko sa kanila.. Kung gagawin mo tong business na to para magkaron lang ng pang-meryenda tulad nung lobo, pwedeng hindi.
Pero kung gagawin mo ang negosyo para sa mga taong mahal mo, para mag improve ang katayuan mo sa buhay, para maibigay mo ang mga gusto ng mga taong mahal mo, at para maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay... Oo magiging successful ka at kikita ka sa business na to.
No comments:
Post a Comment