Survivor Ka Ba???


Share Ko Lang Simpleng Kwento Ko Sa  Mga Naranasan Ko Sa MLM Career Ko Para Magsilbing Inspirasyon Sa Iba.

Nung unang pumasok ako sa mundo ng network marketing or kilala sa salitang NETWORKING, aaminin ko na talagang nahirapan ako. Hindi ko alam kung papaano ako magsisimula dahil wala talaga akong background sa industriyang ito. Sumali kaagad ako noon dahil sa ganda ng paliwanag ng speaker at sa mga testimonies ng mga members na pinagsalita pa sa unahan ng seminar room. Kanya-kanyang pa-totoo, yung iba kumikta ng daang libo, nagkaroon ng sasakyan, bahay, savings, nakakapamasyal na sa ibat-ibang lugar at kung anu-ano pang magagandang pangyayari. Sa madaling salita, nabago ang buhay nila sa tulong ng network marketing.

Kaya naman, talagang ang taas ng energy ko nung nagsisimula pa lang ako. Halos nakikita ko na ang future ko na aasenso kaagad katulad nung mga speakers sa seminar. Di nga ako makatulog sa gabi sa sobrang excitment. Kumbaga, grabe yung motivation ko sa sarili. 

Kaya eto na nga, nagsimula na akong humataw. Nagflyering, nag house party, nag one-on-one presentation, nagkausap ng mga di kakilala kahit makatbi ko lang sa bus o sa pilahan, basta buhay at humihinga, kakausapin ko, hehe!

Kaya lang eto ang problema, karamihan interesado. Pero pag nalaman na networking, umaayaw na kaagad. Pag nalaman na may puhunan, umiiling na kaagad. Minsan pag nakita ako na paparating, iniiwasan na ako na akala mo may sakit akong nakakahawa tapos maririnig ko pa, ayan na naman si NETWORKING, NETWORKING  :(

Unti-unti, nauubos yung energy ko. Unti-unti nalolowbat na ako dahil sa dami ng rejections, paninira, at kung anu-ano pa. Dumating ang point na halos ayoko nang magpatuloy, balak ko na mag-quit nun at mag-focus na lang sa pagiging teacher dahil wala naman magandang pangyayari sa networking business ko.

Pero inisip ko na kapag umayaw ako, para ko na rin hinayaan nakawin ng mga taong humihila sakin pababaang mga pangarap ko sa sarili ko at sa pamilya ko na mabago ang buhay.

Kaya ang ginawa ko, naghanap ako nga mga training materials sa internet lalo na sa youtube, sa googles at sa mga blogs na nababasa ko. Minsan inaabot pa ako ng madaling araw na nag-aaral ng mga network marketing tips. Di ko maramdaman nun ang antok dahil sa kagustuhan kong matuto. Minsan habanng nagbabasa ako ng mga tips o nanonood ng mga MLM trainings sa youtube, pinagmamasdan ko ang 2 kong anak at asawa ko habang mahimbing na natutulog. Sinasabi ko sa sarili ko na lahat ng antok, puyat, gutom, pananakit ng likod at balakang habang nag aaral ay lahat susuklian ng  kapag nagbunga ang pagtyatyaga ko. At habang natutulog sila, sinasabi ko rin na darating ang araw, makakaahon din kami sa paghihirap.

Sa tulong ni God at sa mga skills na natutunan ko sa mga nabasa, napanoood at nai-share sakin ng mga magagaing na online coaches, unti-unti akong nagkaroon ng resulta. Nagagawa ko na rin makapagpajoin sa bisnes ko, unti-unti dumadali ang sumasali sa team ko hanggang lumaki ng lumaki.  Nagagawa ko na rin maibahagi sa kanila ang mga natutunan ko sa networking marketing business. Sa oras na ito habang sinusulat ko ang patotoong ito, umabot na sa P59,277.00 ang kita ko at naniniwala ako na patuloy pa itong lalago. Sa iba, maliit pa lang yan dahil malamang mas malaki pa ang kita nila kesa sakin kesa sa kinita nila sa kanilang kumpanya. Pero sa iba na nagsisimula pa lang, malaking halaga na ito. Subalit kung halaga ng mga pangarap natin ang pag-uusapan, maliit pa ito. Kaya patuloy ko pa rin ginagawa ang negosyong ito at hindi ako mahihiyang sabihin sa mga tao na nasa mundo ako ng NETWORKING dahil ang ginagawa natin ay legal, moral at ethical. Kaya naman, hayaan ninyong ipaabot ko ang aking taus-pusong pasasalamat lalo na sa team ko at sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagtitiwala sa aking kakayahan. Hangad ko ang matagal natin pagsasama.

Naisip ko tuloy....Paano kaya kung umayaw ako noon???
Paano kaya kung di ko na pinagpatuloy ang networking bisnes kong ito???
Paano kaya kung hinayaan kong nakawin ng ibang tao ang mga pangarap ko para sa pamilya ko???
Paano kaya di ako gumawa ng aksyon????
Paano kaya yung mga taong umaasa sa aking kakayahan na matulungan sila???

Malamang yung iba sainyo at nakakarelate sa naranasan ko o kaya naman mas matinding pagsubok pa ang naranasan kesa sakin. Pero isa lang lang ang nais kong iparating sainyo, kahit anong pagsubok pa ang maranasan natin, tuloy lang natin. Darating ang oras na malalampasan din natin yan at sa oras na iyon, malalaman mo na isang kang TUNAY NA PANALO sa labang ito.

Sana'y sa karanasan kong ito, nakapagbigay ako saiyo ng kunting inspirasyon para ipagpatuloy mo kung anuman ang nasimulan mo ngayon. Hangad ko ang iyong tagumpay na iyong inaasahang darating saiyo. Lagi mo lang tandaan na ang umaayaw ay di nagwawagi at nagwawagi ay kailanman di umaayaw.

In Life, You Don't Have To Be Great To Start. You Have To Start To Be Great"


Your Friend,















ODELON "Sir Odie" B. PENAFLORIDA
0919-844-44-93
Founder, TEAM ODIE
Organization of Dynamic Internet Entrepreneurs
http://odiepenaflorida.blogspot.com/

No comments:

Post a Comment