What Will You Choose, The Golden Egg or The Golden Chicken?



Gusto ko lang i-share sa inyo yung nabasa ko kanina..

It is about the Golden Egg and The Golden Chicken.

I really like the lesson behind the story kasi napakarealistic nito at naaangkop talaga sating mga Pilipino.

I hope may mapulot din kayo aral dito sa kwentong to.

So let's start now....



Isang araw may bumisita na alien dito sa planet earth.

Pinagmasdan nya ang lagay ng tao at naawa sya sa lagay ng mga ito dahil karamihan sa mga ito ay naghihirap.

Wala halos makain, at araw araw nasa bukid para lang kumuha ng makakain.

Sa awa ng aileen, napagdesisyunan niyang mag iwan ng isang Golden Chicken.

Iniwan nya ito sa bakuran nila Mang Pong na isang magbubukid,

At sa isang kisap mata pinatakbo nya ng mabilis ang kanyang spaceship at nawala ng parang bula.

Pagsapit ng umaga, nagulat si Mang Pong ng may mapansin siyang kakaibang creature sa kanyang bakuran ( yun ang golden chicken ).

Nagtaka siya at naitanong sa kanyang sarili kung saan nagmula ang Golden Chicken.

Habang papalapit sa Golden Chicken may napansin siyang isang makintab na bilog na kumikinang.

Kaagad nya itong nilapatan at laking gulat niya ng malamang isang gintong itlog ang inilabas ng Golden Chicken.

Sa labis na tuwa, kaagad nya itong ipinagbili sa bayan at bumili siya ng maraming pagkain, damit at mga gamit sa bahay.

Napakasaya nya ng araw na yun. 

Ng sumunod na buwan, hindi makapaniwal si Mang Pong dahil nangitlog na naman ng golden Egg ang Golden Chicken.

Kaagad nya ulit itong ipinagbili, at bumili agad siya ng mga gadyet, mamahaling sasakyan at isang 60 inch plasma TV para sa kanyang pamilya.

Another great day para kay Mang Pong. 

Pero ng sumunod na araw, naging mainipin si Mang Pong.

Alam nya na kasi na kailangan nya na namang maghintay ng another one month para mangitlog ang Golden Chicken. Gustong gusto nya ng magkaroon ng sarili nyang helicopter at helipad.

Kaya nakaisip sya ng magandang idea.

Alam nya na kapag pinatay niya ang Golden Chicken makikita nya sa loob ng tiyan nito ang maraming Golden Eggs at hindi nya na kailangan pangmaghintay pa ng another one month para lang makakuha ulit ng itlog.

Kaya ang ginawa nya, kumuha sya ng matalim na kutsilyo at pinatay niya ang Golden Chicken.

Kaagad niyang hinawa ang tiyan sa pag aakalang marami syang golden egg na makukuha.

Pero laking gulat nya ng makita nya na wala ni isang itlog sa loob ng tiyan ng Golden Chicken.

Labis na pagsisisi at lungkot ang naramdaman ni Mang Pong.

" Wala na ang Golden Chicken at wala na rin g magbibigay sa kanya ng Golden Egg. "

Nagsimulang maghirap si Mang Pong, at dahil dun wala na syang ibang choice kundi ipagbili ang lahat ng damit, gadget, furniture at sasakyang nabili nya.

At sa loob ng isang taon, naghirap muli si Mang Pong.

Isang araw habang naglalakad, may nakita siyang isang napakayaman lalaki.

Nakangiti ito at nagpasalamat sa kanya.

Sa labis pagtataka, tinanong nya ito. " Bakit ka nagpapasalamat sakin? "

" Naaalala mo ba itlog na ibenta mo sakin?"

" Oo naman, "

" Well, napisa yung itlog. " sabi ng mayamang lalaki

" Anong ibig mong sabihing napisa? sambit ni Mang Pong na may halong pagtataka.

" Iniligay ko yun sa incubator at inilagaan sa loob ng 12 buwan.

Napisa ito at isang Golden Chicken ang lumabas. At ngayon nangingitlog na ito ng Golden Egg. "

Hindi makapaniwala si Mang Pong sa kanyang narinig.

Wala syang nagawa kundi umalis ng nalulungkot.

Nagsisisi na sana di nya na lang pinatay ang Golden Chicken.

And the rest is the story....

What is moral value of this story?

Marami satin ang katulad ni Mang Pong.

Sumasahod buwan buwan pero walang naiipon.

Walang ibang inisip kundi gumastos dito, gumastos doon.

Yung iba kasi makahawak lang ng malaking pera, ang nasa isip kaagad bumili agad ng " LUHO " sa katawan.

Hindi nila naisip na baka isang araw, mawalan sila ng trabaho at mawalan ng source of income.

Hindi nila naiisip na baka yung blessing na natatanggap nila sa ngayon ay may katapusan.

Hindi nila naisip kung anong future ang merun sila kung ganung mindset ang merun sila sa buhay.

Sila yung tinatawag na " ONE DAY MILLIONAIRE ", na kapag ubos na ang pera titingala na lang at maghihintay ng panibagong grasya.

Hindi ko nilalahat pero marami talaga ang may ganung pananaw at gawain sa buhay.

Ayaw nilang tumulad dun sa mayamang lalaki na nag invest ng time para mas mapakinabangan nya yung itlog in the long term.

Ang gusto lagi natin is for the short term.

Tigilan na natin yung ganung ugali na nakaugalian natin, " yung ubos ubos biyaya, pagkatapos nakatingala. "

Matuto tayong mag invest para ng sa ganun lumago ang pera natin at ng sa ganun gumanda ang future natin.

* I hope may natutunan ka sa article na to, kung nagustuhan mo to pwede mong icomment yan sa baba.

May gusto rin akong ipanood sayong video, na makakatulong sayo para masimulan mo na din sa sarili mo ang pagbabagong ninanais mo.

Kung gusto mong maging katulad nung mayamang lalaki sa kwento, ito na chance mo para maging katulad nya.

Click the Link below and Start  To Achieve Your Financial Freedom.

==> http://goo.gl/IMaanx <==


Your Partner in Success,












Sir Odie B. Peñaflorida
0919-844-44-93

No comments:

Post a Comment