Ang
sarap ng taho. Lalo na yun mainit init at may sago-sago pa. Pero kung
makikita mo at pagmamasdan ang magtataho, malamang maawa at magtatanong
"sa sipag ng magtataho, bakit di pa din sha yumayaman?"
Kaninang
umaga habang bumibili ako ng taho sa paborito kong vendor, hindi
nakapagpagil ang mga matang garampingat na pagmasdan, suriin at
dalirutin ang kabuuan ng hayag na katauhan ni manong magtataho. Habang
busy sha sa pagsasalok ng mga utaw sa plastic cup, habang nakayuko at
unti-unting napupuno ang inorder kong taho na halagang P5 tinanong ko
sha ng ganto...
Ako: "manong magkanu ang puhunan mo araw-araw sa isang balde ng utaw?"
Vendor: "lahat-lahat, nasa P800 - P1000"
Ako: "ah maliit lang naman pala"
At pagkatapos na mapuno ang plastic cup, habang inaabot nya sa'kin ang binibili kong taho, humirit pa sha ng ganito.
Vendor: "kaso lang madalas, napapanisan ako ng utaw. lalu na ngayon pag ganito ang panahon na tag-ulan"
Habang
binibigkas nya ang mga salitang ito, kitang-kita ko sa mga mata nya ang
napakalaking panghihinayang. Habang papatapos sha sa pagsasalita,
sinabayan pa nya ito ng isang malalim na buntong-hininga.
At
habang papalayo si manong magtataho, hindi ko mapigilan ihatid sha ng
tingin. Sa kanyang pagtalikod, kitang kita ng mga matang garampingat
kung papano nya binitbit at ipinatong sa kanyang mga balikat ang bigat
ng 2 balde na may lamang utaw at arnibal.
Bigla
kong naisip, pag umaaraw ang hirap ng sistwasyon ni manong magtataho.
Sobrang pawis at uhaw marahil ang kanyang kalaban. Lalu naman siguro pag
tag-ulan, napapanisan na at madalas matumal pa ang benta. Ulanin man o
arawin, wala kang pagpipilian.
Hindi
lang pala simple pera ang puhunan sa pagtitinda ng taho. Hindi lang ito
nasusukat sa halagang P800-P1000. More than the money he is
capitalizing, SIPAG AT TIYAGA pa din ang pinakamalaking investment na ginagawa ng isang magtataho.
Sipag at tiyaga na kahit sa matinding init ng sikat ng araw, umaapaw pa din ang utaw na pwede mong ipantawid uhaw.
Sipag
at tiyaga din ang puhunan na kahit sa matinding ulan, meron kang
mabibilhan ng mga taho na pantawid gutom at sa sikmura'y pwedeng
ilaman.
Kung
sipag at tiyaga lamang din ang puhunan para umasenso ang bayan, kung
sipag at tiyaga lamang ang pundasyon para sa isang asensadong
kinabukasan, dapat sana, magtataho man o kahit sino pa man, asensado na
at mayaman.
Hindi
matatawaran ang kasipagan at pagtitiyaga ng bawat isa sa atin. Sikat
ang Pinoy pagdating dito. Iniiwan nga natin ang Pilipinas at para
magtiis ng lahat ng hirap sa ibang bansa kapalit ng kaginhawahan ng
ating mga iniwan diba?
Hindi
man natin lisanin ang bansa, todo kayod pa din tayo para kumita ng
pera. Balot vendor. Mani vendor. Side walk vendor. Kargador. Aguador.
Hanggang sa taga-gawa ng espasol (mall crew) o kaya at taga-kayod ng
asarol (mga magsasaka), kung sa sipag at tyaga lang din naman, panalo at
walang katapusan ang imbakan.
Idol
mo ba si Sen. Manny Villar? Pasintabi sayo kung hindi ko siya
sasang-ayunan sa kanyang propaganda na para makamit ang asensadong
pamumuhay, sipag at tiyaga lamang daw ang kailangan. I beg to disagree
on him!
Masipag
ka man at bumabalong ang imbakan ng "tiyaga" sa iyong katauhan, hindi
ka pa din yayaman kung isa ka lang simpleng empleyado. Kahit na manager
ka man ng isang kumpanya, hindi ka padin yayaman. Lalu naman kung ikaw
ay walang trabaho at pirmihan sweldo, ang pagyaman kaibigan, sa
panaginip lamang!
Hindi
lang sipag at tiyaga ang puhuhan sa pagyaman. Unang-una, bukod sa main
source of income mo like pagiging empleyado o self-employed sa isang
micro mini business, meron ka padin ibang pinaghuhugutan. Mas madami,
mas maiman.
Pero
ang pinaka-importante, kung talagang pag-asenso at pagyaman ang iyong
inaasam, dapat kasama ng sipag at tiyaga, meron kang isanga maganda,
matino at epektibong sistema. Yun subok na matatag pa. Residual income
ang tinutukoy ko. Yun minsan mo lang tinrabaho, yun pagkatapos mong
gawin, kahit ikaw'y magtigil, may kita pa rin.
Sabi nga ni Robert Kiyosaki
sa book nya na Rich Dad, Poor Dad "habang nagiging empleyado ka, dapat
kuhanin mo na lahat ng experience na dapat mong kailanganin. wag kang
maging kampante dito. " Do not dream to be a boss of your company,
rather strive to be like THE OWNER of your company.
Sa
bawat salok ng utaw, sa bawat patak ng arnibal at sa bawat bilog ng
saho na inilalagay sa plastic cup na binili ko, damang-dama ko ang
katotohanan, na kung sipag at tiyaga lamang ang puhunan sa pagyaman, sa
halagang P5 kada plastic cup, ang dami na sanang yumaman.
So what the point of talking and saying all of these to you?
Simple
lang. Wag kang maging kampante sa kung anong meron ka ngayon. Wag kang
maging comportable sa pagiging empleyado. Kwentahin mo man ang sweldo mo
monthly times 40 years time bago sa iyong retirement, hindi yan aabot
ng P5 milyon kaibigan. Reality lang ang pag-usapan natin. Prankahan tayo.
Gusto mo ba talagang yumaman?
Diretsahan na tayo. Kung gusto mo talagang yumaman, tara magnegosyo tayo!
Kasama mo sa tagumpay,