Paano Nga Ba Yumaman???


Ang napansin ko lang sa araw-araw at sa dinami dami ng taong tinanong ko, both in person and in the cyber world, iisa lang ang kanilang mga naging kasagutan. When i asked anybody if he wants to get rich, iisa lang ang sinasagot nila. Yes, OO! Gusto daw nila yumaman. Kaya naman naisipan kong magpalabas ng ilang paraan (base na din sa aking masusing pag-aaral at pagkonsulta sa mga eksperto tungkol sa bagay na ito), nais ko ngayon iladlad ang mga posibleng paraan para yumaman tayo. Samahan nyo ako kaibigan. Isa-isahin natin. Busisiin. Dalirutin at sungkitin ang kung anomang aral na pwedeng pakinabangan.


When it comes to financial sustainability, para sa akin, 2 lamang ang klase ng tao sa mundo - EMPLEYADO o NEGOSYANTE at sila ay nahahati sa apat na klase. Maaring ikaw, ako o tayong lahat ay nabibilang sa isa sa mga sumusunod:
1. Employed - ito yun mga taong yumayaman dahil sa nakatagpo sila ng magandang companya at matinong employers. Sila din yun mga taong kadalasan at mga nakatapos ng pag-aaral at umabot hanggang sa pinakamataas na antas katulad ng mga engineers, nurses, medical practitioners or in short mga professionals. Madami ang yumayaman sa grupo na ito pero ang napapansin ko, pag edad na ang pagbabasehan, walang yumaman na nasa 30 years below sa grupo na ito. Kadalasan, nasa 45-55 ang age bracket ng mga mayayaman na professionals.


2. Self-employed - sa grupo naman na ito nabibilang ang mga taong may maliit subalit sapat na kapital para makapagsimula ng isang maliit subalit sapat na negosyo. Sila yun mga tao na naghahanapbuhay para sa mga sapat-sapat lang na bagay. Meron din mangilan ngilan sa kanila na yumaman, pero mabibilang mo lang sila in reality. Katulad ng mga employee, pag hindi sila nagbanat ng buto, pag umabsent sa tinatrabaho nila o di kaya nagkasakit ng di sinasadya at unexpectedly, apektado ng bonggang bongga ang kanilang source of income. Sabi nga, NO WORK NO PAY.


3. Businessmen - tinatawag din silang mga "entrepreneurs" Sila ang mga taong willing magsakripisyo ng pagud at panahon para lamang sa inaasam asam na negosyo. Sila ang mga walang takot mag-fail at malugi. Sila din ang mga taong may malalaking puhunan at kapital para sa mga malalaking negosyo.


4. Investors - ito naman yun mga taong hindi na kailangan magtrabaho pa para mabuhay. Hindi na nila kailangan magkapagud para kumita ng pera. Sila ay may mga sapat na salapi na at resources para i-invest na lamang sa anumang negosyo, malaki o maliit, na maiibigan nila. Hindi na sila nagwowork para sa pera kundi ang pera na nila ang nagtratrabaho para sa kanila.
Sa apat na klase na nabanggit ko, almost 90% ng mga kilala kong mayayayaman at wala sa grupo ng mga empleayado. 90% ng mga mayayaman sa Pilipinas at sa buong mundo ay mga NEGOSYANTE. tama diba?


At nais ko din iladlad ang mga dahilan kung bakit yumayaman ang isang tao, empleyado man o negosyante. Lahat ng taong yumaman, 

  • May kakaibang idea o invention. Ginagamitan ito ng talino. Si Alfred Nobel, kaya sha yumaman ng bonggang bongga ay dahil sa siya ang nakaimbento at nakaisip ng idea ng dinamita. Look at Bill Gates and Steve Jobs. Wag na tayo lumayo, take for example Mark Zuckerberg, na isa sa pinaka-mayamang tao sa mundo now. Bakit sila mayayaman? Simple lang, dahil sa kanilang kakaibang idea at imbensyon. Dahil sa kanilang talino at expertise sa isang larangan. Inuulit ko, kung meron kang idea na katulad ng sa idea nila. Yun unique. yun kakakiba. yun pang-masa at necessity in life... pag meron ka nun, pwede ka nang yumaman.

  • May sistema na ginawa. Wala akong kilalang tao na yumaman ng bara-bara lang ang kilos. Wala akong nakitang yumaman sa tsambahan. Wala akong nakitang taong yumaman dahil sa swerte lamang. E pano yun tumama sa lotto o nanalo sa raffle ng sweepstakes? Para sa akin, hindi yun swerte. Kahit papano may effort pa din sila. Nun tumaya sila, namuhunan. Nagsakripisyo. Nag-isip ng combination ng numero at nag-take risk sa pagbabasakali na manalo. Inuulit ko, hindi yun swerte. Ang swerte e yun tumama sila sa lotto o nabunot sila sa raffle nang hindi man lang sila ng be-bet o tumataya ng kahit ano. Pag yun ang nangyari, maniniwala na ako sa swerte. Lahat ng yumaman at patuloy na yumayaman, may plano at sistema na sinusundan.

  • May sipag at tiyaga. Wala akong kilala o nabalitaan man lamang na yumaman dahil sa katamaran at sakit sa bato.Opo, walang batugan na yumaman pwera na lamang kung ipinanganak kang mayaman at napamanahan ng sangkaterba, ibang usapan na ito.

  • May determinasyon at katatagan ng loob. Kapag mahina ang iyong loob at di matatag ang iyong determinasyon at paninindigan, sa munting pagsubok at pagkabigo ay madali kang sumuko, nakakasiguro ako na hindi ka mayaman at kailanman hindi ka yayaman.


Tayong mga Pilipino, likas naman sa atin ang masisipag. Matyagain din halos lahat ng Pilipino. Sa katunayan nga ang mga empleayado 5am palang bumabangon na at gumising para makapasok at pagdating ng 8am nasa opisina na sila at halos late nang umuwe ng haus kasi pirmes na nag oovertym. 


Simbolo ng kasipagan ang mga Pilipino. Larawan ng katyagaan ang mga kababayan natin partikular ang mga magsasaka at anino ng katapangan ang mga OFW natin. 


Pero bakit naglipana pa din sa atin ang mga mahihirap? Bakit lantaran ang hagupit ng kahirapan? Determinado naman at matatag ang loob natin kitang kita nga ito sa panahon ng mga kalamidad at pagsubok, nakangiti pa din ang mga Pilipino. 


Madami din sa atin ang may kakaibang idea at pangmasang inventions. Napakadami din ng mga OFW na ang idea nila ay makukuha ang pagyaman sa pagtratrabaho sa ibang bayan. Pero bakit madami pa din ang mahihirap.


Kung isa kang empleyado na katulad ko, malamang nangangarap ka din ng isang buhay na masarap. Yun future na panatag at matatag. Yun hinaharap na malaya na sa hirap. Marahil naghahangad ka din na matupad ang iyong mga pangarap at matikman ang kanilang sarap. 


Pero paano nga ba yumaman? May pag-asa pa bang yumamang ang mga katulad natin ordinaryong Juan dela Cruz lang? Paano nga ba yayaman ang isang taong hindi naman negosyante? 


Para sa akin, kung wala kang kakaibang idea o invention, kung wala kang sipag at tiyaga at hindi sapat ang iyong talino at kulang ang determinasyon at tatag ng loob, HINDING HINDI KA YAYAMAN.


Pero paano ang pangarap mong yumaman? Paano na ang sagot mo kanina sa tanong ko na gusto mo bang yumaman? Ibabaon mo na lamang ba sa lusak ang mga pangarap na masarap?


Kaibigan, ako ay may natutunan sa aking karanasan. Mali pala ang umasa lamang sa iyong sariling kakayanan. Natutunan ko na hindi pala sapat ang aking nalalaman. Napag-alaman ko na pwede rin pala akong yumaman kahit hindi ako negosyante o investor. Natutunan ko din, na walang empleayado ang yumaman at one in a million ang chance na yayaman ang isang self-employed.


Pero alam ko kung papano yayaman kung meron kang susundin na SISTEMA. At ito ang aking natutunan. Hindi lang basta sistema, proven na effective pa. marami na kasi ang nakagawa na ng sistema na ito. Madami na ang yumaman at mas lalung dumadami pa ang payaman dahil lamang sa munting pagsunod sa sistemang ito. 


Gusto mo ba itong malaman kung paano?


Gusto mo bang matutunan ang sikreto ng sistemang ito?




Hanggang sa muli,

No comments:

Post a Comment