Bakit Kailangan Mong Maging Mayaman???

Our universe is governed precisely by "exactness", by mathematical algorithms and orderly sequences of events which follows facts and trends of precise certainty.

In others words, what you reap is dictated by what you sow. Just like the hindu word "karma", it is very certain that whatever present situation you may have right now, YOU ALWAYS DESERVE WHAT YOU GOT!

Sabi nga in our language, "kung ano ang itinanim siya ang aanihin"

Negative gets negative. Kaya hanggat may natitira pang kahit gahibla ng negatibong bagay jan sa isipan at katawang lupa mo, hanggang napapalibutan pa ng negatibong idea yan isipan mo, hanggang yang attitude mo ay punong puno pa ng negatibong reactions at emotions...

Sadly kaibigan ko, HINDI KA PA READY na YUMAMAN!
Assess yourself, ready ka na nga ba?!

Para matulungan kitang masagot ang tanong na “kung ready ka na nga ba” let us all first dwell for a minute with the prelude question:

“BAKIT MO NGA BA KAILANGAN YUMAMAN?” 

E bakit nga ba? Pwede naman hindi diba? Pwede namang “simpleng buhay” na lang. Kaya lang kaibigan ko, kung simpleng buhay ang gusto mo, naisip mo ba na meron kayang…

Simpleng school para sa simpleng mag-aaral na may simpleng buhay?
Simpleng ospital para sa simpleng mga sakit ng mga simpleng mamamayan?
Simpleng pagkain para sa simpleng budget na mabibili mula sa simpleng supermarket ng mga taong may simpleng pamumuhay?

Simpleng kasal? Simpleng birthday? Simpleng binyagan? Simpleng lamay at kabaong para sa simpleng patay? Diba Wala?! Meron ba?

Para sa akin kaibigan, lahat tayo ay namumuhay sa isang mundo na punong-puno ng complikasyon. Sa isang mundo na kumplikado, parang imposible o kaya naman ay lubhang napakahirap mamuhay ng simple tama ba?

Pero bakit mo nga kailangan yumaman? Yan ang tanong na gusto kong linawin. Samahan mo ako, pipilitin kong ishare sayo kung ano ang ultimate reason kung bakit mo kailangan yumaman.


Sa mundong HINDI simple, mahirap mamuhay ng simple. Sa mundong kumplikado, ang pinapangarap ng iba na simpleng buhay… IMPOSIBLE! Kaya kailangan mo talagang yumaman, wala kang choice. Kailangan mong mabuhay diba? Kailangan mong magsurvive tama ba? Kailangan mong maging mabuting anak at ulirang magulang diba?


Kailangan mong maging matalino at makatapos ng pag-aaral…Kailangan mong gumanda at sumeksi…
Kailangan mong bumango at hindi pumanget diba?
Kailangan mong makatikim ng masasarap na pagkain tama?
Kailangan mong matulog ng payapa diba?
Kailangan mong magbayad ng mga pagkakautang sa napakadaming tao tama ba ako?
Kailangan mong hindi madengue fever kaya kailangan mong magkaroon ng isang maayos, maganda at kumpleto sa muebles na bahay – yun hindi tumutulo ang bubong o binabaha ang sahig tama?

Kailangan mong gumaling sa karamdaman mo?
Kailangan mong magparebond ng buhok mo?
Kailangan mong maayos na pananamit para sa iyong profession tama?
Kailangan mong hindi mamaho ang damit sa usok ng trafiko sa labas kaya kailangan mong magkaroon ng kotse, yun de aircon tama?


Kailangan mong pag aralin ang mga anak mo…Kailangan mong bihisan ang sarili mo…
Kailangan mong ipagamot ang magulang mo…
Kailangan mong makarating sa Europe at magpapicture sa Eiffer tower sa Paris diba?


Kaya kailangan mong YUMAMAN kaibigan ko!

I am sure sasabihin mo, yumaman man ako, di ko naman madadala sa langit ang kayamanan na yon tama ba? YES NA YES, tama ka jan kaibigan hindi mo talaga madadala ito.


Pero tanong ko lang, yun utang mong sangkaterba, madadala mo din ba?Yun bahay mong nabubulok at nilalamon na nang anay at tanga, madadala mo?
Yun ref ninyong puro tubig ang laman?
Yun bills ng tubig at kuryente na nakadikit sa ref na ito?

Yun tuition fee sa school ng anak mo?

Yun SAKIT ng mga taong mahal mo sa buhay, pag namatay ka ba at napunta sa langit MADADALA MO DIN BA ITO?


Kung hindi mo madadala ang kayamanan mo, NASISIGURO KO, mas lalu mong hindi madadala ang kahirapan mo!

Kasabay ng kayamanan na iiwanan mo, yun kahirapan sa buhay HINDI MO DIN MABIBITBIT sa kabilang buhay.


Ano ba ang gusto mong iwanan sa kanila na mga anak at pamilya mo?Ako, ayaw ko ng kahirapan.


Ano ang gusto mo ipamana sa kanila na pamilya at mga anak mo?Ako gusto ko ng KAYAMANAN. Ikaw ano ang ipapamana mo sa kanila? Kayamanan o kahirapan?


Hindi masama ang magpayaman, in fact…

The normal desire for increased wealth is not an evil or a reprehensible thing; it is simply the desire for more abundant life, it is aspiration. You need to be rich because it is the ultimate reason why we exist. And to become really rich is the noblest aim you can have in life, for it includes everything else.

Now, uulitin ko ang tanong ko kanina – BAKIT MO KAILANGAN YUMAMAN? Ikaw na ang sumagot, I am sure hindi ka magkakamali sa pagsagot nito!


Magandang Araw :)



No comments:

Post a Comment