Ang Limang Pisong Taho

Ang sarap  ng taho. Lalo na yun mainit init at may sago-sago pa. Pero kung makikita mo at pagmamasdan ang magtataho, malamang maawa at magtatanong "sa sipag ng magtataho, bakit di pa din sha yumayaman?"


Kaninang umaga habang bumibili ako ng taho sa paborito kong vendor, hindi nakapagpagil ang mga matang garampingat na pagmasdan, suriin at dalirutin ang kabuuan ng hayag na katauhan ni manong magtataho. Habang busy sha sa pagsasalok ng mga utaw sa plastic cup, habang nakayuko at unti-unting napupuno ang inorder kong taho na halagang P5 tinanong ko sha ng ganto...

Ako: "manong magkanu ang puhunan mo araw-araw sa isang balde ng utaw?"

Vendor: "lahat-lahat, nasa P800 - P1000"

Ako: "ah maliit lang naman pala"

At pagkatapos na mapuno ang plastic cup, habang inaabot nya sa'kin ang binibili kong taho, humirit pa sha ng ganito.

Vendor: "kaso lang madalas, napapanisan ako ng utaw. lalu na ngayon pag ganito ang panahon na tag-ulan"

Habang binibigkas nya ang mga salitang ito, kitang-kita ko sa mga mata nya ang napakalaking panghihinayang. Habang papatapos sha sa pagsasalita, sinabayan pa nya ito ng isang malalim na buntong-hininga. 

At habang papalayo si manong magtataho, hindi ko mapigilan ihatid sha ng tingin. Sa kanyang pagtalikod, kitang kita ng mga matang garampingat kung papano nya binitbit at ipinatong sa kanyang mga balikat ang bigat ng 2 balde na may lamang utaw at arnibal. 

Bigla kong naisip, pag umaaraw ang hirap ng sistwasyon ni manong magtataho. Sobrang pawis at uhaw marahil ang kanyang kalaban. Lalu naman siguro pag tag-ulan, napapanisan na at madalas matumal pa ang benta. Ulanin man o arawin, wala kang pagpipilian.

Hindi lang pala simple pera ang puhunan sa pagtitinda ng taho. Hindi lang ito nasusukat sa halagang P800-P1000. More than the money he is capitalizing, SIPAG AT TIYAGA pa din ang pinakamalaking investment na ginagawa ng isang magtataho.

Sipag at tiyaga na kahit sa matinding init ng sikat ng araw, umaapaw pa din ang utaw na pwede mong ipantawid uhaw.

Sipag at tiyaga din ang puhunan na kahit sa matinding ulan, meron kang mabibilhan ng mga taho na pantawid gutom at sa sikmura'y pwedeng ilaman. 

Kung sipag at tiyaga lamang din ang puhunan para umasenso ang bayan, kung sipag at tiyaga lamang ang pundasyon para sa isang asensadong kinabukasan, dapat sana, magtataho man o kahit sino pa man, asensado na at mayaman.

Hindi matatawaran ang kasipagan at pagtitiyaga ng bawat isa sa atin. Sikat ang Pinoy pagdating dito. Iniiwan nga natin ang Pilipinas at para magtiis ng lahat ng hirap sa ibang bansa kapalit ng kaginhawahan ng ating mga iniwan diba? 

Hindi man natin lisanin ang bansa, todo kayod pa din tayo para kumita ng pera. Balot vendor. Mani vendor. Side walk vendor. Kargador. Aguador. Hanggang sa taga-gawa ng espasol (mall crew)  o kaya at taga-kayod ng asarol (mga magsasaka), kung sa sipag at tyaga lang din naman, panalo at walang katapusan ang imbakan.

Idol mo ba si Sen. Manny Villar? Pasintabi sayo kung hindi ko siya sasang-ayunan sa kanyang propaganda na para makamit ang asensadong pamumuhay, sipag at tiyaga lamang daw ang kailangan. I beg to disagree on him!


Masipag ka man at bumabalong ang imbakan ng "tiyaga" sa iyong katauhan, hindi ka pa din yayaman kung isa ka lang simpleng empleyado. Kahit na manager ka man ng isang kumpanya, hindi ka padin yayaman. Lalu naman kung ikaw ay walang trabaho at pirmihan sweldo, ang pagyaman kaibigan, sa panaginip lamang!

Hindi lang sipag at tiyaga ang puhuhan sa pagyaman. Unang-una, bukod sa main source of income mo like pagiging empleyado o self-employed sa isang micro mini business, meron ka padin ibang pinaghuhugutan. Mas madami, mas maiman. 

Pero ang pinaka-importante, kung talagang pag-asenso at pagyaman ang iyong inaasam, dapat kasama ng sipag at tiyaga, meron kang isanga maganda, matino at epektibong sistema. Yun subok na matatag pa. Residual income ang tinutukoy ko. Yun minsan mo lang tinrabaho, yun pagkatapos mong gawin, kahit ikaw'y magtigil, may kita pa rin.

Sabi nga ni Robert Kiyosaki sa book nya na Rich Dad, Poor Dad "habang nagiging empleyado ka, dapat kuhanin mo na lahat ng experience na dapat mong kailanganin. wag kang maging kampante dito. " Do not dream to be a boss of your company, rather strive to be like THE OWNER of your company. 


Sa bawat salok ng utaw, sa bawat patak ng arnibal at sa bawat bilog ng saho na inilalagay sa plastic cup na binili ko, damang-dama ko ang katotohanan, na kung sipag at tiyaga lamang ang puhunan sa pagyaman, sa halagang P5 kada plastic cup, ang dami na sanang yumaman.
 

So what the point of talking and saying all of these to you?

Simple lang. Wag kang maging kampante sa kung anong meron ka ngayon. Wag kang maging comportable sa pagiging empleyado. Kwentahin mo man ang sweldo mo monthly times 40 years time bago sa iyong retirement, hindi yan aabot ng P5 milyon kaibigan. Reality lang ang pag-usapan natin. Prankahan tayo. Gusto mo ba talagang yumaman?

Diretsahan na tayo. Kung gusto mo talagang yumaman, tara magnegosyo tayo!
 
 
 Kasama mo sa tagumpay,


 

No comments:

Post a Comment