Kailangan Natin si Superman at si Batman sa MLM




Noong pumasok ka sa MLM Industry, nkita mo lahat ng magagandang bagay… Gadgets, Kotse, trip to somewhere, at idagdag mo pa diyan yung pagkasilaw mo sa usapang malaking halaga(nasilaw din ako dyan wag kang mag-alala, kasama mo ko).


At nang nandito ka na nahirapan ka… pag-usapan natin si Prospecting.
Karaniwang ginagawa ng mga Networkers na prospecting ay yung pagkausap sa mga tao…


Scenario 1…
Nagpunta ka sa Tita mo… nalaman mo yung pangangailangan nya… at alam mong pwede syang matulungan ng business na meron sa’yo ngayon… habang nag-uusap kayo, naipakita mo sa kanya na kaya mo pa lng bigyan ng solusyon yung problema nya…kaso ayaw niya… kaso hindi siya interesado… in short nareject ka…
ok lang yan… wag mo yang damdamin…


Scenario2…
Nakita mo yung bestfriend mo..at dahil sa close na kayo naisip mong i-offer sa kaniya yung MLM business na meron ka…direkta… kaso ayaw nya… kasi may trabaho na siya…masaya na siya… in short na reject ka ulit…
ok lang yan… wag mo yang damdamin…


Scenario3
Out of desperation… naisip mo “kailangan ko nang magkaroon ng downlines”… lumabas ka…. sabi ng Upline mo … learn the 3-foot rule (which I insist to avoid and not to recommend) … paglabas mo ng bahay… nagpunta ka sa park… tinabihan mo yung isang manong…”Ah sir excuse me po…baka gusto nyo…?…baka meron kayong….?<the marketing plan of your company>… pagkatapos sabi nung manong sa’yo… “sige kokontakin na lang kita”… medyo negative pero pwede ring positive… who knows?…. in short naject ka ulit….
Sabi mo sa sarili mo, ang hirap, parang hindi mo na kaya… Out of nowhere biglang dumating si coach BatangNetworker… at sinabi ko sa’yo…don’t worry isipin mo lang ikaw si Superman at ikaw din si Batman… kailangan mo yan!


Clarification…
Sa MLM Industry sila talaga ang kailangang maging kung sino ka… ikaw dapat si Superman … SUPERMANhid…para magkaroon ka ng dahilan na ipagtuloy yang ginagawa mo para sa sarili mo… ikaw din dapat si Batman… BATo’t MANhid… para sa katuparan ng mga pangarap ng mga mahal mo sa buhay.


Alam ko bilang isang Networker alam mo kung “BAKIT” mo to ginagawa… pero dapat alam mo din kung “ANO” ang mga kailangan mong attitude para maging successful sa MLM Industry.



Hanggang sa susunod...










No comments:

Post a Comment