“Papa, Magkano Po Ang Sweldo Mo?”


Isang araw, umuwi galing sa trabaho ang isang ama. Alas diyes na ng gabi nun. Pagkadating niya sa bahay, gising pa pala si bunso. Sinalubong siya nito at niyakap. Naupo siya sa sofa at binigyan ng “tsinelas na pangbahay” ni bunso. Habang naghuhubad siya ng medyas, nagtanong ang bata.

Bunso: Papa, magkano po ang sweldo mo sa isang oras?

Papa: (nabigla sa tanong ng anak) Ha? Bakit mo naman naitanong yan?

Bunso: Sige na papa, sabihin mo sakin magkano ang sweldo mo…

Papa: Alam mo anak, hindi ko pwedeng sabihin sayo. Kahit nga si mama mo eh hindi niya alam kung magkano ang sweldo ko…

Bunso: Sige na Papa, promise di ko sasabihin kay mama.

Papa: (nakumbinsi din). Okay. Sikreto lang natin to ha? Ang sweldo ko sa isang oras ay P300. (ibig sabihin, P300 x 8 oras = P2400/day pala ang sweldo ng ama. siguro malaki ang posisyon niya sa kompanya?)

Bunso: Wow, ang laki pala!

Papa: Anak, huwag mong lakasan baka marinig ng mama mo…

Bunso: Opo. oo nga pala papa, meron po akong hihilingin sayo….

Papa: Sige anak, basta kaya kong ibigay. Ano ba yun?

Bunso: Pwede po bang humingi ng P150.00?

Papa: (nagtaas ng boses) Lokong bata to ah! Kaya pala nagtanong dahil gusto lang humingi… Yan ba ang natutunan mo sa paaralan?

Bunso: (di nakakibo ang anak.. napahiya… dahan-dahang tumayo , biglang umiyak at tumakbo sa kanyang kwarto…)

Papa: (naiwang mag-isa ang ama sa labas at biglang nag-isip) Saan niya kaya gagamitin ang P150? baka na-addict na yun sa computer games gaya ng dota, counter strike atbp… (maya-maya) nakakaawa naman… sige na nga pagbigyan ko na lang…

(biglang tumayo ang ama at kinatok ang pinto ng bunsong anak)

Papa: Anak, o sige na, eto na ang P150 mo…

Bunso: (Binuksan ang pinto, nagpahid ng luha, sabik na sabik na tinanggap ang malutong na P150 paper bills, tumakbo sa kama niya at inangat ang kutson. Sa ilalim pala ng kutson ng bata eh maraming nagkalat na barya, binilang niya iyon at ng makita niyang sapat na, tumakbo siya palapit sa papa niya. Iniangat niya ang dalawa niyang kamay, punong-puno ng pinagsamang barya at ng P150 na paper bills at tuwang-tuwa na sinabi sa papa niya: “papa, eto po ang P300. Pwede ko po bang bilhin ang isang oras mo at maglaro tayo?”

Be With Your Kids And Give Quality Time.

Napakahalaga ng oras para sa ating pamilya. Let’s use the time wisely.


ASSIGNMENT: 

If You Want To Work Less and Have More Time for Your Family,
Let Me Help You... CLICK Here!



Your Partner in Success,










1 comment:

  1. Kailangan mo ba ng isang kagyat na Pautang upang malutas ang iyong mga problema sa pananalapi? Nagbibigay kami ng mga Business Loan, Personal Loan, Home Loans, Mga Pagbabayad na Pautang, Mga Pautang sa Kasal, Mga Pautang sa Mag-aaral, Mga Pautang sa Kotse, Mga Pautang sa Bangko, at Pautang Upang Magbayad ng Bill. Alamin kung gaano masama ang iyong
    Ang Credit Score ay. kami .Home Refinancing Loans na may mababang rate ng interes sa 3% bawat annul para sa mga indibidwal. (CONTACT EMAIL: :( christiandavidsongloancompany@gmail.com) NUMBER +918884714395
    maaari ka pa ring mag-alok ng utang na kailangan mo. Sinang-ayunan din namin ang mga pautang para sa mga kliyente na nakalista sa blacklist. Kung ikaw ay interesado mangyaring makipag-ugnay sa amin at mag-apply ngayon
    Pinakamahusay para sa
    KRISTIYONG DAVID SONG LOAN
    KRISTOY DAVID loan service company
    CONTACT EMAIL :: christiandavidsongloancompany@gmail.com
    skype: CHRISTIAN DAVID SONG LOAN
    APLIKULO NG APLIKON-APP +918884714395

    ReplyDelete