Nung unang pasok ko sa Networking, akala ko “mabilis lang”, “akala ko madali lang”, “akala ko saglit na panahon lang” makukuha ko na lahat ng pangarap ko…
Sabi kasi nung nag-orient sa’ken…”Dito Teamwork!”, “Eto and plan B
mo”, “Dito madaming gumagawa ng business na’to kahit bata pa, eto si
********* kahit 16 years old lang kumikita na ng P15,000 per month!”….
Wow! sabi ko, …Grabe naman pala dito!!!… sabi pa… “Eto, eto ung mga
taong nagkaresulta na dito sa paggawa lang ng negosyong to…(sabay pakita
ng Clearbook na may pictures ng mga taong naka-pose sa tabe ng mga
kotse nila)… isa pang “WOW!”… at…hindi pa dyan natatapos…”Dito sa
kumpanya madaming ibibigay sayo… Insurance….Loading…Car Fund…etc!…..
…at isang napakalaking GRABBBEEEEE!!!!… Para ‘tong isang Gintong Pinto
na kapag binuksan napakaraming magagandang bagay sa loob….Kotse!,
Cellphone!, Liwaliw!….PERAAAA….
Nasilaw ako dun ah….whew…
Next attraction… Office “Resignation”… E bakit ko pa nga ba aaksayahin
oras ko sa pagpasok ng office?…e andito na opportunity…Grab na!
Ayun, naging Networker na nga ako. . .
…..Ang hirap pala….
….Naubos Budget ko…Halos nawala yung mga bagay na meron ako nung nagtatrabaho pa’ko…..
Nexxxxxtttt!!!…..Flyering…..Pusakalan…..Pasama…..Tagging…. Kaya pa… May pangarap ako eh…para sa sarili at para sa pamilya….
Nexxxxttttt!!!!…. Zeeerrrooooo balance !…nak ng tokwa!
Sabi ng pamangkin ko sakin….”tito, paki-unfriend nako sa FB account
mo… Kasi napapagod na ko magdelete ng mga tinatagg mong picture
saken…wala naman ako dun…di ko yun kailangan…kasawa na kaya”… E di sige,
unfriend ..OK lang, di kita ikakayaman! sabi ko.
“Tol, wag mo ko i-spam pls….andami ng kung anu-ano sa account
ko…dinadagdagan mo pa…!”…. ok Unfriend… Akalain mo….bukod sa kanila, may
na-unfriend pa ko na 29 na tao… mga kakilala ko…mga kaklase,
mga barkada, may tito at tita pa…. Nag-insist sila eh…. Sabi ko ok lang…
Paulit-ulit….ganun na lang…kala ko sa Employment lang may “RAT RACE”…
Aba meron din pala dito….ang malupit pa nito….apektado social life
ko…may nagagalit eh….May hindi tama…. hindi naman dapat talaga ganto di
ba?….
Neexxxxttt!… 2
weeks Burn-out..(Networkers: E ikaw naman pala may problema eh, sa
networking dapat walang susuko, walang bibitaw, tuloy-tuloy lang!…Pag
sumuko ka, ikaw ang talo!)…. hehe…alam ko naman yun….gusto ko lang
naman makapag-isip ng tama…pa’nu ba dapat talaga gawen ung TAMANG
DISKARTE sa business na’to…
Search….research….basa sa internet ….magazines ….hanggang sa may
nakita ko…”Uy Blog!… “…..sabi do’n…”Dapat ang Networking, masaya,
nakaka-enjoy, walang pressure,…pero….dumadami downlines mo….”…whoa!
pa’no yan?……
Steps:..”Know your skills to have”
anu ba yung mga ‘yon…?
#1. Build Trust – kapag pinagkatiwalaan ka ng tao, di mo malalaman, bigla na lang,,”Uyyy…prospect ko na pala sila…”
#2 Promote youself not the opportunity – Kung alam ng mga taong nasa
paligid mo, na pwede nilang pagkatiwalaan yung mga taong nasa loob ng
kumpanya mo…kahit ga’no pa kalaki “pay-in cost” nyo…mag-jojoin yan!
peksman!
#3. Tap the Right people – Alamin mo, sinu-sino ba talaga mga interesado sa business na meron ka.
#4. Learn the “1 Million Dollar Question”…”What do you think”….effective ‘yan, subukan mo!
#5. Learn to make your 1 minute presentation – Bigyan mo lang sila ng
teasers o pahapyaw ng kung anung meron ka, kapag sumagot sayo
ng….”Please tell me more!!!”. . . .Bingo ka d’yan!
#6. Be Realistic – Huwag mo pangakuan ng Milyun – milyon…. tsk!…
#7. Exclusive skills of building “Rapport” – parte ng Trust e
rapport…. kailangan may koneksyon…kailangan nagkakaintindihan kayo!
#8. Realize that Networking is not “forceful” marketing… dapat yan
“Educational Marketing” – kapag naintindihan nila yung halaga ng product
mo at ng business mo, prospect lalapit sa’yo!
#9. Matuto kang magbasa ng Ugali ng tao – hinde lang basta banat ng banat… baka ‘pag banat mo…mabanatan ka rin…
#10. Have a seeking heart…mapaghanap ka dapat… ng kaalaman… at ng taong makakatulong sa’yo . . .ang “COACH mo!”
Networkers…pag ginawa mo ‘yan…magugulat biglang laki ang grupo mo, in short, SABOG!!!
Your partner in success,
No comments:
Post a Comment