May bago kang invite para sa business opportunity meeting nyo sa
office. Dumating naman on time ang prospect mo. Pinaupo mo na sya sa
seminar room. Natapos ang mahigit isang oras na pagsasalita ng speaker
sa harapan. At ngayon... ano yung unang sasabihin mo sa prospect mo???
Para bang ang dami mong gustong sabihin o itanong sa kanya? Naglaro ba sa isip mo kung ano bang maganda o dapat itanong sa isang prospect pagkatapos nyang mapanuod o mapakingan ang iyong business presentation?
Eto din yung tanong ko nuon. Yung ibang upline ang turong first na itanong ay yung mga nakakatawang closing lines na tulad ng “Jo-join ba o sasali?”. Yung iba naman, ang turo ay tanungin mo lang kung "Ano sa tingin nya". Ok lang naman na tanungin mo ang prospect mo kung "Ano sa tingin nya", pero kadalasan kapag tinanong mo ang prospect mo ng ganito ay unang iisipin nya ay yung mga hindi nya naintindihan, o kaya naman ay yung mga hindi nya nagustuhan. Sasalubungin ka nya ng kanyang mga negative objections.
Sa naging experience ko in the Philippines MLM industry, natutunan ko na ang pinaka the best at unang question na itanong sa isang prospect pag tapos ng business presentation ay ito:
“Ano yung pinaka nagustuhan mo sa napanuod mo?”
Other versions are:
“Ano yung pinaka nagustuhan mo sa napakingan mo?”
“Ano yung pinaka nagustuhan mo sa seminar?”
“Ano yung pinaka nagustuhan mo sa presentation?”
“
Ano yung pinaka nagustuhan mo sa opportunity?”
Ang Key Word sa mga questions na ‘to ay yung salitang “Pinaka Nagustuhan”. Kapag ganito ang tinanong mo sa prospect mo after ng presenation, mag iisip sya kung ano yung part ng presentation ang tingin nya ay mag bebenefit sya ng higit. Babalikan nya sa isipan nya kung saan sya naging pinaka interesado.
Pagkatanong mo sa kanya,
ang susunod na kaylangan mong gawin ay pakingan maige ang isasagot nya
dahil dun sa isasagot nya ka magkakaron ng clue kung ano yung “hot
button” nya. Magkakaron ka ng magandang idea kung saan ka mas
magfofocus sa pag follow up at sa pag continue ng pag educate sa
prospect mo.
For example, kung ang sinabi sa ‘yo ng prospect mo
ay pinaka nagustuhan nya ay yung products, mas mag focus ka sa pag
explain ng benefits ng inyong mga products o kaya naman ay ipakita mo
sa kanya yung mga real testimonies ng mga users about sa ganda ng
products mo. Kung ang nagustuhan naman ng prospect mo ay yung kitaan o
yung idea ng additional source of extra income, mas magfocus ka sa
pag highlite o sa detalyeng pag explain ng iyong marketing plan. Kung
ang nagustuhan naman ng prospect mo ay yung idea ng time at financial
freedome, ipaliwanag mo sa kanya kung paano nya maachieve yun sa
tulong ng iyong opportunity.
Basta tandaan mo lang yung question na ‘to “Ano yung pinaka nagustuhan mo sa _________?” at kung ano man yung isasagot nya, dun ka mag-focus para mas ieducate ang iyong prospect.
PS. - I hope nakatulong sa ‘yo ang short article na ‘to.Ikaw ano yung pinaka nagustuhan mo sa short article na ‘to? ;-)Write it down in the comment below. Wag mong kakalimutan mag-Like.
PS. - I hope nakatulong sa ‘yo ang short article na ‘to.Ikaw ano yung pinaka nagustuhan mo sa short article na ‘to? ;-)Write it down in the comment below. Wag mong kakalimutan mag-Like.
If you like this TIP, Go ahead and
Like my fanpage para lagi kang updated sa mga MLM tips na pinopost ko
daily.
Click this to visit my facebook fanpage: https://www.facebook.com/pages/Sir-Odie/478238882221562
Your friend and partner in success,
No comments:
Post a Comment